Myanmar, umapela sa mga bansa na pauwiin ang kanilang mga mamamayan matapos ang crackdown sa scam centers

Nanawagan ang Myanmar sa iba’t ibang bansa na agad pauwiin ang daan-daang dayuhang naaresto sa kanilang operasyon sa scam center sa Kayin State.

Ayon kay Col. Min Thu Kyaw, nahihirapan na silang pamahalaan ang libu-libong mga dayuhan na nadetine mula sa isinagawang raid sa KK Park at Shwe Kokko sa Myawaddy.

Ito ay dahil sa dahil sa ibaโ€™t ibang nasyonalidad, relihiyon, at kultura.

Mula noong Enero, naitala na sa 13,272 dayuhan ang naaresto na mula sa 47 bansa.

Bagama’t naipa-deport na ang karamihan dito, nasa 1,655 pa rin ang nananatili sa kanilang detention kung saan karamihan dito ay Chinese, Indonesian, Ethiopian, Vietnamese, Kenya at Indian nationals.

Isang rason sa mabagal na deportasyon ng African nationals ay dahil wala silang embahada sa Myanmar o Thailand.

Kilala ang Myanmar bilang sentro ng cyberscam operations na nagdudulot ng bilyong dolyar na kita kada taon.

Ipinakita rin ng state media roon ang demolisyon ng ilang gusali ng scam centers.

Gayunman, iginiit ng mga kritiko na patuloy pa ring gumagana ang mga sindikato sa ibang lugar habang itinanggi naman ng mga lokal na armadong grupo ang anumang kinalaman sa ilegal na operasyon. | via Alegria Galimba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *