Nagtipon-tipon ang humigit kumulang 100 civilians sa Chaung U township, Sagaing region para sa pagdiriwang ng national holiday at voice opposition sa ruling military junta nang biglang naghulog ng dalawang bomba ang motorized paraglider.
24 katao ang namatay habang 47 naman ang naiulat na sugatan habang nagp-protesta laban sa military government ng Myanmar.
Ayon sa People’s Defense Force (PDF) na volunteer militias ng Myanmar, nakatanggap na sila ng impormasyon ng potential airborne attack sa kalagitnaan ng pagdiriwang noong Lunes, October 6.
Sa pahayag ng isang miyembro ng PDF, sinubukan nilang tapusin agad ang pagpoprotesta nang biglang dumating ang paramotors. Dagdag pa nila, lahat ng iyon ay nangyari sa loob lamang ng pitong minuto at nagdulot ito ng injury sa kanyang binti.
Ayon naman kay Joe Freeman, researcher ng Amnesty International Myanmar, ang naganap na pag-atake ay dapat na magsilbing wake-up call na kailangan ng mga sibilyan ng Myanmar ng urgent protection. | via Kai Diamante
