MWSS: May sapat na supply ng tubig ang Metro Manila hanggang sa pagtatapos ng tag-init

Ayon sa MWSS hindi mauubusan ng tubig ngayong tag-init. Sapat ang supply mula sa Angat Dam hanggang matapos ang dry season sa Mayo. Sa kasalukuyan, nasa 207.4 meters ang level ng tubig sa dam—mas mataas ng 13 meters kumpara noong nakaraang taon!

Pero paalala ni MWSS official Patrick Dizon na mag-ipon ng reserbang tubig dahil may nakatakdang repairs tuwing Holy Week, mula 10 p.m. hanggang 4 a.m. lang naman.

Inaasahang ding matatapos ngayong taon ang bagong water sources sa Laguna at Rizal. Target ng MWSS na bumaba ang 90% dependency natin sa Angat Dam sa 75% bago matapos ang 2025. | via Lorencris Siarez | Photo via opfais.nia.gov.ph

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *