Malagim na banggaan ang naganap sa SCTEX Toll Plaza (northbound) bandang 12:18 ng tanghali ngayong Mayo 1, 2025. Limang sasakyan ang sangkot — tatlong SUV, isang container truck, at isang Solid North bus.
Walong katao ang kumpirmadong patay ayon sa Tarlac Provincial Hospital, habang 28 pa ang sugatan at isinugod sa parehong ospital. Patuloy ang rescue operations ng PDRRMO Tarlac para sa mga naipit pa sa mga sasakyan.
Mabilis na rumesponde ang Philippine Red Cross Tarlac Chapter gamit ang Ambulance 2071 sa pangunguna ni Team Leader John Robin Salvatierra. Dalawang pasyente ang naihatid ng PRC sa ospital. | via Allan Ortega | Photo via PRC Tarlac Chapter
#D8TVNews #D8TV