MTRCB, pinatawag ang Viva Entertainment matapos murahin ni Sassa Gurl ang ahensya

Pinatawag ng MTRCB ang Viva Entertainment matapos magmura ang isa sa kanilang artista laban sa kanila

Matapos ang CineSilip Film Festival, nakatanggap ng dalawang “X” rating ang pelikulang Dreamboi sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) noong nakaraang buwan.

Isa si Sassa Gurl sa mga content creator na matapang na ipinagtanggol ang pelikula at ang direktor nitong si Rodina Sigh.

Sa premiere ng pelikula noong Oktubre 22, muling pinuna ng content creator ang ahensya dahil sa kanilang binigay na movie rating at sinabi pa niya sa isang maikling panayam sa red carpet, “T*ng ina niyo, MTRCB!”

Dahil sa insidenteng ito, nagpadala ng liham ang MTRCB kay Viva president Vincent Del Rosario na nagsisilbi rin umanong pabatid sa Viva Communications Inc. kung saan isa si Sassa sa mga talentong kinabibilangan ng kompanya.

Nilalayon ng pagpupulong na talakayin ang paggamit ng content creator ng bastos na pananalita laban sa ahensya.

Ayon sa MTRCB, ang pagpupulong na naisagawa ay may layuning itaguyod ang pagkakaroon ng responsable at maayos na asal sa mga pampublikong kaganapan. | via Anne Jabrica

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *