MTRCB: Bawal ang malaswa, marahas at bastos na pelikula sa mga bus at jeep

Pinapaalalahanan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang mga bus, jeep, at iba pang pampasaherong sasakyan: ‘G’ at ‘PG’ lang ang puwedeng palabas sa biyahe! Ibig sabihin, para lang sa lahat o may gabay ng magulang ang mga palabas na dapat pinapakita sa publiko.

Ayon sa MTRCB, ang mga pampublikong sasakyan ay itinuturing na parang sinehan kaya dapat ay kontrolado ang nilalabas na content – bawal ang malaswa, marahas o bastos! Ito ay base sa Memorandum Circular No. 03-2024.

Kung may nakitang paglabag i-report agad sa kanilang official social media @MTRCBGov o mag-email sa complaints@mtrcb.gov.ph., may kasong legal ang sinumang mahuhuling lumalabag, alinsunod sa Presidential Decree No. 1986.

Ginawa ang paalala habang dagsa ang mga biyahero ngayong Semana Santa – panahon ng panalangin, sakripisyo, at pagninilay para sa maraming Pilipino. | via Allan Ortega | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *