MRT 3, nilibre ang biyahe pagtapos magkaaberya

Stranded ang ilang komyuter matapos magkaaberya ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) kaninang umaga.

Nilimitahan na lamang ang biyahe mula Shaw Boulevard Station to Taft Avenue Station at pabalik.

Na-detect ang ang technical issue 5:56 a.m.pa lamang bandang Santolan papuntang Ortigas southbound, ayon sa train operator.

8am nang mag-resume ang operasyon ng tren pero para makatulong sa mga na-stranded nilibre ng MRT3 ang biyahe para sa buong araw. | via Ghazi Sarip, D8TV News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *