May lakad ka ba ngayong weekend?
Good news, commuters!
Ayon sa anunsyo ng DOTr MRT-3 sa kanilang Facebook post, libreng sakay ang alok nila sa Linggo, Oktubre 26.
Aarangkada ang libreng sakay mula 7:00 a.m. hanggang 9:00 a.m. at muli sa 5:00 p.m. hanggang 7:00 p.m.
Ito ay bahagi ng selebrasyon ng Consumer Welfare Month na layuning itaguyod ang mga karapatan ng mga mamimiling Pilipino at paalalahanan tayo sa ating responsibilidad sa bayan.
Kaya kung may lakad ka, i-timing mo na sakay na, libre pa! | via Allan Ortega
