Pinakamatinding parusa ang ibinigay ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) kay GenSan Warriors forward Michole Sorela matapos nitong suntukin si Jonas Tibayan ng Mindoro Tamaraws sa gitna ng laro nitong Lunes sa Batangas City Sports Coliseum.
Ayon kay MPBL Commissioner Kenneth Duremdes, “Hindi natin palalampasin ‘to. Delikado sa players at pangit sa imahe ng liga.” Agad na binigyan si Sorela for life at pinagmulta ng ₱200,000. Posible pang bawiin ng Games and Amusements Board ang lisensya niya, ibig sabihin goodbye sa pro career.
Si Tibayan, na dinala pa sa ospital, nagtamo ng concussion, duguang panga, nabasag na ngipin, napunit na labi, at bali sa balikat. Pero kahit wala siya, Mindoro Tamaraws pa rin ang nanalo kontra GenSan, 76-72, sa pangunguna ni Bambam Gamalinda na may 21 puntos.
Sa ibang laro, Sarangani Marlins buhay pa ang playoff hopes matapos talunin ang Muntinlupa Cagers, 72-68, Batangas City Rum Masters nakalusot kontra Bacolod, 60-58, sa game-winner ni Mark Cruz na may 0.3 segundo na lang natira.
Sa playoff race top 6 per division, siguradong pasok; 7th–10th, dadaan sa play-in. | via Allan Ortega | Photo via MPBL
#D8TVNews #D8TV