Hinahanda na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang real-time monitoring mechanism para sa Ayuda para sa Kapos ang Kita (AKAP) program para masiguro ang maayos na pamamahagi sa mga beneficiaries.
Nakalagay sa Joint Memorandum Circular No. 2025-01, na siguradong ang mga qualified beneficiaries lamang ang makakatanggap ng ayuda, nakasaad rin dito na ang pamamahagi ng ayuda ay hindi magagamit sa pampulitika lalo na kung ang pamamahagi ay magaganap “offsite” o hindi sa tanggapan ng DSWD.
Alinsunod sa Joint Memorandum, nakasaad rin dito na kahit na anong presensya ng mga politko o kahit na political materials sa mga pay-out events ay ipinagbabawal.
Ayon kay Social Welfare spokesperson Irene Dumalo, ang mga pagbabago sa implementasyon ng AKAP program ay para maiwasan ang pamumulitika lalo na’t malapit na ang eleksyon. Nakasaad sa provision na kinakailangan magsumite ng report patungkol sa ayudang naipamahagi at isang “narrative” analysis patungkol sa sitwasyon ng programa sa kanilang nasasakupan. | Photo via PNA
#D8TVNews #D8TV