MMDA nakipagpulong sa mga paaralan para sa traffic solutions

Nakipagpulong ang MMDA ngayong araw sa mga kinatawan ng malalaking paaralan sa NCR upang pag-usapan ang mga solusyon sa matinding trapik sa paligid ng kanilang mga lugar. Tinukoy ng MMDA ang mga pangunahing chokepoint, lalo na sa Ortigas area malapit sa La Salle Greenhills at Saint Pedro Poveda College.

Ayon kay MMDA Chairman Atty. Don Artes, nagsimula na ang pag-install ng CCTV para sa No Contact Apprehension Policy (NCAP), na suportado rin ni Pangulong Marcos. Layunin nitong mapatibay ang disiplina sa kalsada. Napansin ng MMDA na maraming sasakyan ang pumupuno sa dalawa o tatlong linya sa mga paaralan tuwing hatid-sundo ng estudyante.

Dumalo sa pulong ang mga kinatawan mula sa La Salle Greenhills, Poveda, Ateneo, Miriam, Xavier School, at ICA. Lahat ay nagpahayag ng suporta sa NCAP at nangakong makikipagtulungan upang maibsan ang trapik sa kanilang paligid.

Ibinahagi rin ni QC Assistant City Administrator Alberto Kimpo ang tagumpay ng zipper lane sa Katipunan Ave., na nagpagaan ng rush-hour traffic sa lugar. | via Allan Ortega | Photo via MMDA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *