Nagbabala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga netizen na maging mapanuri sa pagse-share ng mga video o photos sa social media kaugnay sa Bagyong Uwan.
Ayon sa MMDA, may ilang netizens kasi ang nagse-share ng lumang video ng mga pagbaha.
Sa ngayon, wala pang naiuulat sa kanilang Emergency Operation Center kaugnay sa major flood incident sa National Capital Region (NCR).
Payo ng MMDA, tingnan muna ang petsa at oras ng post at hanapin sa iba pang mapagkakatiwalaang news sites o official page ng mga ahensya ng pamahalaan.
Anila, mahalagang suriin ang bawat pag-post at pag-share online at huwag magpagamit sa pagpapakalat ng mga pekeng balita o maling impormasyon dahil maaaring magdulot ito ng kalituhan sa publiko. | via Alegria Galimba
