Nagpulong ang MMDA at traffic officials mula Cainta, Antipolo, Marikina, at Pasig nitong Miyerkules.
Ang layunin: Iwasan ang matinding traffic jam sa Marcos Highway.
Matatandaang nakaranas ng matinding traffic sa kahabaan ng Marcos Highway noong Sabado dahil sa sobrang dami ng sasakyan at mga motoristang nag-counterflow.
Ang kanilang napagkasunduan—i-synchronize ang truck ban hours sa buong highway, alisin ang mga obstruction, at buksan muli ang isang key intersection na madalas nagiging bottleneck kapag mabigat ang daloy ng mga sasakyan.
Ayon sa MMDA, papalitan ang concrete barriers sa Marcos Highway–Gil Fernando Avenue intersection ng movable orange barriers para mas madaling i-adjust kung sakaling maulit ang matinding trapiko tulad noong Sabado.
Lumagda rin ang mga LGU para sa mas mahigpit na pagpapatupad laban sa illegal terminals at illegal vendors sa lugar.
Nagkaroon ng ocular inspection ang MMDA at apat na LGU kahapon, para suriin ang sitwasyon at
tukuyin ang iba pang kailangang engineering adjustments. | via Allan Ortega
