Nag-anunsyo ang MMDA na may 20 rerouting schemes na ipatutupad para sa EDSA rehab na sisimulan ngayong Hunyo. Apektado ang mga kalsada sa northbound at southbound tulad ng Macapagal, Roxas Blvd., Arnaiz, Aurora, Kamuning, Ortigas, Shaw, JP Rizal, at marami pang iba. Kasama rin sa linis-operasyon ang mga bangketa at alternatibong daan—babaklasin ang mga sagabal gaya ng nakaparadang kotse at illegal vendors.
Mabuhay Lanes bukas pa rin pero markado man o hindi, media vehicles bawal na sa odd-even scheme sa EDSA simula June 16—walang lusot!
Samantala, puspusan din ang huli sa ilalim ng No Contact Apprehension Policy (NCAP)—552 na huli kahapon, 952 noong Martes, at 1,112 sa Lunes. Karamihang violation mali sa traffic signs, pasaway sa bus at motorcycle lanes, at illegal loading/unloading!
Ayon sa MMDA, bumababa na ang bilang ng mga pasaway, senyales na gumagana ang NCAP. Pero giit ni Sen. JV Ejercito “Trial muna, ayusin ang sistema, wag pabayaan ang karapatan ng motorista!”
Sabi naman ni Senate Pres. Escudero: “Dapat malinaw at patas ang pagpapatupad!” Babala pa niya—ayusin nyo ang lane markings at traffic lights kung ayaw ninyong dumami ang reklamo! | via Allan Ortega | Photo via msn
#D8TVNews #D8TV