MMDA GM Torre, itinangging nag-file o pumirma ng optional retirement sa PNP

Iginiit ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Nicolas Torre III na hindi siya nag-file o pumirma ng anumang optional retirement sa Philippine National Police (PNP).

Sa isang ambush interview, sinabi ni Torre na wala siyang pinipirmahan na anumang aplikasyon.

Aniya, lilinawin muna niya sa kanyang organisasyon ang issue.

Nitong Miyerkules, lumabas ang isang General Order na may petsang Enero 19 kung saan nakasaad na pormal nang nagretiro ang dating hepe ng pulisya na inaprubahan naman ng National Police Commission o Napolcom.

Dahil dito, inaasahang mapo-promote sa four-star rank na police general si acting PNP chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr.

Pinalitan ni Nartatez si Torre bilang hepe ng PNP noong Agosto.

Noong Disyembre 2025, tinanggap ni Torre ang kanyang appointment bilang general manager ng MMDA.

Kasunod ng kanyang panunumpa sa bagong posisyon sa gobyerno, sinabi ng Napolcom na si Torre ay itinuturing nang nagbitiw sa PNP. | via Alegria Galimba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *