Tiglao, Tatlong araw pa lang matapos koronahan, rumampa na agad si Emma Tiglao sa Bangkok International Fashion Week 2025 ang kanyang unang public appearance bilang bagong Miss Grand International. Kasama niya sa event si MGI founder Nawat Itsaragrisil at first runner-up Sarunrat Puagpipat.
Sa Instagram, ibinahagi ni Emma: “Let’s get started! Stepping into my first moment as your Miss Grand International 2025 here at Bangkok International Fashion Week.”
Hindi pa nakakauwi ng Pilipinas, trabaho agad si Emma tutungo siya sa Miss Grand Lampang 2025 coronation sa Chiang Mai ngayong Oktubre 22. Kasama rin niyang dadalo sina Puagpipat at fourth runner-up Nary Battikha.
Sabi ni Emma sa IG Stories, “I miss the Philippines, pero work po muna tayo.”
Si Tiglao ang unang Pinay na nakamit ang back-to-back win para sa bansa, matapos manalo rin si CJ Opiaza noong 2024. Bukod sa pagiging beauty queen, si Emma ay isang Kapampangan TV news presenter at events host. | via Allan Ortega
Miss Grand International 2025 Emma, trabaho mode agad sa Bangkok Fashion Week
