Mariing itinanggi ng Senate minority bloc ang mga balitang may plano silang patalsikin si Senate President Vicente Sotto III.
Ayon kay Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano, “normal” lang daw na may kumakalat na coup talks tuwing may break at muling nagbubukas ang Senado, pero wala raw ganitong usapan ngayon.
Giit ni Cayetano, tutok ang minorya sa paghubog ng mas maayos na pambansang badyet para sa taong 2026 na nagkakahalaga ng ₱6.793 trilyon mas mataas ng 9.1% kaysa noong nakaraang taon.
Pangunahing prayoridad ng badyet ang edukasyon, imprastraktura, at mga programang panlipunan.
Dagdag pa ni Cayetano, pagkakataon daw ito para isulong ang mga reporma upang maging mas episyente at makatao ang paggastos ng gobyerno.
Naniniwala rin siyang ang pagpapabuti ng kalidad at access sa edukasyon ay direktang makakatulong sa pag-unlad ng ekonomiya at lipunan.
Samantala, ilang senador mula sa mayorya at minorya ang nagsabing walang basehan ang mga tsismis ng “Senate coup.”
Si Sotto naman ay nananatiling may malawak na suporta mula sa kanyang mga kasamahan. | via Allan Ortega
