Minimum wage ng mga kasambahay, itataas ng P800

Inanunsyo ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) ang dagdag-sahod na P800 sa buwanang sahod ng mga kasambahay.

Sa ilalim ng Wage Order No. NCR-DW-06 na nilagdaan noong January 15 at magiging epektibo sa February 7, ang kasalukuyang P7,000 na minimum wage ay itataas na sa P7,800 kada buwan.

Halos isang taon na rin ang nakalipas mula nang ipatupad ng NWPC ang P50 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa sa National Capital Region (NCR).

Nauna na ring naaprubahan ngayong buwan ang P50 na umento sa sahod ng mga private sector workers sa Metro Manila.

Ayon sa NWPC, layon ng dagdag-sahod na ito na makatulong sa kabila ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at gastusin. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *