Makikipagtulungan ang Regulator Manila International Airport Authority (MIAA) sa Bureau of Immigration (BI) hinggil sa pondo ng pagresolba sa mahahabang pila sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)
Pumirma ng Memorandum of Agreement (MOA) ang MIAA, BI at Department of Transportatiom (DOTR) upang ma-improve pa ang karanasan ng pasahero at mapaghusay pa ang seguridad at pangangasiwa rito.
Isa ito sa mga inaalala ng mga pasahero higit lalo sa mga peak hours, dahilan nito umano ay ang kakulangan sa mga Immigration Personnel ayon kay DOTr Undersecretary Giovanni Lopez.
Sa kabila ng limitadong budget, lumapit si Transportation Secretary Vince Dizon kay MIAA General Manager Eric Ines tungkol sa legal na paraan ng pagiging kaagapay sa augmentation ng pondo para sa BI.
Ang pondong ito umano ay paraan upang masigurong may kinauukulang malalapitan sa immigration counters higit lalo sa peak hours.
Ani Ines batay sa MOA, bagama’t hindi pa maaaring banggitin ang eksaktong halaga ng tulong dahil kailangan pang higit itong pag-aralan, 5 milyon buwan buwan ang inisyal na halaga nito.
Dagdag pa niya, may Technical Working Group na nakatalaga rito upang matukoy ang tunay na halagang kinakailangan.
Samantala, ang nabanggit na TWG ay binubuo ng mga miyembro mula sa BI, MIAA at DOTr-Legal, Finance, maging ang HR officers, na magtutulungan para sa mga pamamaraan ng pamahalaan sa accounting at auditing. | via Ghazi Sarip | Photo via PNA
#D8TVNews #D8TV