Mga weightlifter ng Pilipinas, wagi ng 5 ginto sa World Youth and Junior Championships

Limang gintong medalya agad ang sinungkit ng Team Philippines sa unang araw ng International Weightlifting Federation (IWF) Youth and Junior World Championships! Tila ginulat ng mga batang Pinoy lifters ang mundo sa kanilang lakas at tapang.

Bida si Jay-R Colonia ng Zamboanga City matapos makuha ang 2 ginto (clean and jerk at total) at isang pilak (snatch) sa Youth men’s 49kg — unang sabak pa lang niya sa international stage!

Di rin nagpahuli si Alexsandra Ann Diaz, kapwa taga-Zamboanga, na nag-gold sa snatch at total ng Youth women’s 45kg. category at bronze sa clean and jerk.

Cebuana Althea Bacaro, Grade 8 student ng University of Cebu, umangat din — gold sa snatch, silver sa total, at bronze sa clean and jerk sa Youth women’s 40kg!

Zamboangueña Angeline Colonia naman ang kumuha ng silver sa snatch at bronze sa total sa Junior women’s 45kg, habang si Prince Keil Delos Santos ng Rizal ay pumang-apat at pang-anim sa Junior men’s 55kg category.

Sabi ni Bacaro, “Train with purpose, listen to your coach, and believe in yourself!”

Proud ang mga coaches at ang Samahang Weightlifting ng Pilipinas: “Lumalaban na tayo sa world’s best, kasama ang China, pero lima agad ang ginto natin!” | via Lorencris Siarez | Photo via IWF

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *