May tsansa raw na 55% hanggang 80% na ang mga underwater drones na natagpuan sa karagatan ng Pilipinas ay galing mismo sa China, ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Martes. Sa isang press briefing, sinabi ni Rear Admiral Roy Vincent Trinidad na may mga Chinese markings ang mga ito, at isa pa nga sa mga drone ay may Chinese SIM card!
Ayon sa forensic analysis sa tatlo sa limang drones, posibleng ginagamit ito para aralin ang ilalim ng dagat—delikado kung pang-espiya! Kaya nitong mangolekta at magpadala ng data via satellite, ayon kay Trinidad.
Ang limang drones ay nakita sa iba’t ibang parte ng bansa:
• 2 sa Calayan Island, Babuyan Group
• 1 sa Pasuquin, Ilocos Norte
• 1 sa Initao, Misamis Oriental
• 1 sa San Pascual, Masbate
Binunyag pa ni Trinidad na mahirap matukoy ang mga ito kapag nasa ilalim ng dagat. Dahil dito, mas pinaigting ng Philippine Navy ang siguridad ng ating karagatan. | via Lorencris Siarez | Photo via Police Regional Office 5
#D8TVNews #D8TV