Mga tanim na gulay sa Benguet, binalot ng andap

Trending ngayon ang mga pananim sa Barangay Paoay, Atok, Benguet na nabalot ng andap o frost dahil sa matinding lamig.

Ayon sa PAGASA, naitala ang pinakamababang temperature sa lugar na aabot sa 5 degrees celsius ngayong araw.

Pero sa Facebook post ni PJ Haight, makikita sa kanyang thermometer na nakapagtala nang mas mababa pa sa 0° Celsius ang ground temperature sa lugar.

Mas malamig ito kumpara sa naitalang 10.6°celcius sa Baguio City kaninang umaga.

Samantala, 13.0°C ang naitala sa La Trinidad, 16.2°C sa Basco, Batanes, 16.3°C sa Tanay, Rizal habang 20.1°C naman sa Metro Manila.

Kaya ilabas na ang mga jacket at sweater dahil inaasahan pa rin ang malamig na panahon dulot ng amihan sa susunod na mga araw. | via Alegria Galimba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *