Hindi muna pinangalanan ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., ang mga sangkot ng personalidad sa pagkamatay ni Police Staff Master Sgt. Diane Marie Mollendido at sa walong taong gulang na anak nito na huling nakitang buhay noong January 16.
Ayon kay PNP Chief Nartatez mayroong significant update, sino ang mga sangkot at kung ano ang motibo ng pagpatay sa dalawang biktima.
Bagama’t hindi pinangalanan ang mga sangkot, inaasahan na makakasuhan ang mga ito ngayong araw.
Kasunod nito patuloy ang ginagawang hakbang ng PNP para maresolba ang naturang kaso.
Sa ngayon, apat na suspek na ang nasa kustodiya ng otoridad kabilang na rito ang mag-asawang car agent na nakatransaksyon ng biktima, kanilang nagpakilalang helper at ang dating mister ni Mollendido na isa ring pulis
Giit ni Nartatez, inaalam pa ng pulisya kung sino sino sa apat ang irerekumendang kasuhan ng piskalya.
Matatandaan na huling nakitang buhay ang mag ina nitong January 16 habang papunta sa car sales agent na inaanak ni Mollenido kung saan nireport itong nawawala ng January 19. | via Allen Ibañez
