Malaking ginhawa ang hatid ng pagbaba ng inflation sa 1.4% ngayong April — pinakamababa mula noong November 2019! Ayon sa Philippine Statistics Authority, ito ay bunga ng mga reporma at aksyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., lalo na sa pagpapababa ng presyo ng bigas at pagkain.
Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, “Hindi ito tsamba — ito ay resulta ng matatag na pamumuno ni Marcos.” Mula sa murang bigas sa P29 kada kilo sa ilalim ng Kadiwa ng Pangulo, hanggang sa bagong “Benteng Bigas Mayroon (BBM) Na” sa Cebu, lumalawak ang access ng masa sa murang pagkain.
Mula bigas, gulay, karne, kuryente hanggang pamasahe — kontrolado na raw ang presyo. Bumaba rin ang food inflation mula 6.3% noong nakaraang taon sa 0.7% ngayong April. Halimbawa, ang regular milled rice na P51.25/kg noon ay nasa P44.45/kg na lang ngayon.
Nangako ang Kamara na patuloy silang makikiisa kay Marcos sa pagtugon sa presyo at pag-unlad ng ekonomiya. | via Allan Ortega | Photo via PNA/Yancy Lim
#D8TVNews #D8TV