Lumabas sa pinakabagong survey ng Pulse Asia na ang media ang nangunguna sa mga institusyong pinakapinagkakatiwalaan ng mga Pilipino pagdating sa pagtutok at pagbubunyag ng mga isyu ng korupsyon sa mga flood control project.
Ayon sa survey, 54% ng mga respondent ang may mataas na tiwala sa media, habang 47% naman ang nagtitiwala sa NGOs at civil society organizations.
Lumabas din sa datos na malaking bahagi ng publiko ang may mababa o wala nang tiwala sa ilang ahensya at opisyal ng pamahalaan.
48% ng mga Pilipino ang nagsabing hindi sila gaanong tiwala o tuluyang nawalan ng tiwala sa administrasyong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., habang 59% ang hindi tiwala sa Department of Public Works and Highways at 41% naman sa House of representatives. | via Judea Bernardo
