Mga Pilipinong na-trap sa isang condo sa Myanmar hindi pa rin natutunton

Patuloy na hinahanap ang apat na Filipino na tinatayang kasama sa mga na-trap sa gumuhong condominium sa Myanmar matapos ang lindol, ayon sa Philippine Embassy sa Yangon.
Isang team mula sa embahada ang nakipag-ugnayan sa mga awtoridad sa Sky Villa, isang lugar na labis na tinamaan ng sakuna, pati na rin sa Mandalay General Hospital para kumpirmahin ang mga pinaghihinalaang banyagang biktima.
“Hindi pa rin nakakakuha ng positibong pagkakakilanlan para sa mga na-rescue o mga narecover na bangkay kaugnay sa mga Filipino na iniiwang mga guho,” ayon sa advisory ng embahada noong Martes ng gabi.
Nakipagkita rin ang embahada sa labing-isang mga Filipino na nakaligtas sa Sky Villa collapse para makuha ang karagdagang impormasyon. Patuloy ang mga search and retrieval operations.
Mayroong humigit-kumulang 2,000 Filipino sa Myanmar, pero hindi tiyak ang eksaktong bilang dahil sa mga isyu ng human trafficking at scam hubs.
Ayon sa Department of Migrant Workers, siyam na Filipino na ang nakumpirmang ligtas sa Myawaddy, isang bayan malapit sa border ng Thailand. | via Allan Ortega | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *