Tumaas ang bilang ng pasahero ng EDSA Busway nitong 2025, ayon sa Department of Transportation (DOTr).
Umabot sa mahigit 66 milyon na pasahero ang sumakay rito sa buong taon, mas mataas kumpara sa 63 milyon noong 2024.
Pinakamataas na buwan ang December 2025 nang may higit 6.5 milyong pasahero na gumamit ng busway, lalo na sa panahon ng holiday rush.
Samantala, ang pinakamataong araw ay noong Abril, naitala ang 321,186 na pasahero sa loob lang ng isang araw.
Mula nang magsimula ang serbisyo noong June 2020, umabot na sa higit 341 milyon ang kabuuang pasaherong naihatid ng EDSA Busway.
Pangako naman ni Transportation Secretary Giovanni Lopez na patuloy ang modernisasyon ng sistema.
May plano pa silang gawing mas modernong Kamuning Busway station at magdagdag ng tatlong bagong istasyon sa 2026 para mas mabilis at komportable ang biyahe ng mga pasahero. | via Ghazi Sarip
