Mga paratang ng umano’y bagman ni VP Duterte, pinabubusisi ng isang mambabatas

Pinabubusisi ni Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon, ang mga paratang na inihain ng detainee na si Ramil Madriaga laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Rep. Ridon, mas mainam na masusing beripikahin ang mga pahayag ni Madriaga na umano’y bagman ng bise presidente, bago ito gamitin bilang batayan sa muling paghahain ng impeachment complaint laban kay Vice President Duterte sa susunod na buwan.

Dagdag pa ng mambabatas, bagama’t hindi pa pormal na bahagi ng alinmang impeachment complaint ang isyu ni Madriaga, hindi rin ito maaaring balewalain ng kongreso lalo na kung gagamitin ito sa mga prosesong may seryosong implikasyong konstitusyonal.

Samantala, nilinaw ni Ridon na kasalukuyang nasa holding pattern ang usapin ng impeachment habang hinihintay ng Kamara ang magiging desisyon ng Korte Suprema sa motion for reconsideration na nauna nitong inihain. | via Judea Bernardo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *