Mga pamilya ng drug war victims gustong makulong si Duterte, hindi mamatay

Ayaw ng mga pamilya ng biktima ng extrajudicial killings na mamatay si dating Pangulong Rodrigo Duterte—gusto nilang makulong siya, ayon kay Atty. Joel Butuyan, isang ICC-accredited lawyer.
“Gusto nilang maranasan niya ang lamig ng rehas,” sabi ni Butuyan sa isang forum noong Marso 17.
Hindi rin daw magiging automatic na susunod ang mga lokal na kaso sa desisyon ng ICC, dahil kailangan pa rin ng sariling ebidensya sa korte ng Pilipinas.
Samantala, suportado ng mga obispo at human rights groups ang kaso laban kay Duterte, pero iginiit nilang dapat papanagutin din ang administrasyong Marcos sa patuloy na pag-atake sa karapatang pantao.
Si Duterte ay inaresto noong Marso 11 matapos dumating mula Hong Kong at sinampahan ng kasong crimes against humanity sa ICC dahil sa di-umano’y 43 pagpatay, kabilang ang mga insidente ng Davao Death Squad at war on drugs. | via Lorencris Siarez | Photo via AFP

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *