Naglabas ng reaksyon ang palasyo, kaugnay ng mga naging emosyonal na pahayag ni Vice President Sara Duterte, sa isang pagtitipon sa Davao.
Sa palace press briefing ngayong Biyernes, ibinahagi ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro ang isang artikulo kung saan tinawag umano ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang anak na si Inna isang sinungaling at “drama queen.”
Ito ay kasunod ng naging emosyonal na pahayag ni VP Sara sa Davao City, kung saan naging emosyonal ang pangalawang pangulo, habang sinasabi niyang paano kung tumakbo na lamang siya bilang mayor noon, sa halip na bise presidente.
Matatandaang iginiit din ni Duterte na may ilang imbitasyon sa kanya ang kinansela dahil umano sa pangambang ma-target ng kasalukuyang administrasyon ang mga nag-imbita.
Iginiit naman ni Castro na mas mainam umanong tumakbo na lang ang bise presidente bilang mayor ng Davao City kaysa siraan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr..
