Mga pahayag ni FPRRD sa drug war, hyperbole lang

Iginiit ni dating Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na hindi lahat ng naging pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa war on drugs ay dapat ituring na totoo.

Ayon kay Panelo, marami umano sa mga nabitawang statement ni Duterte ay hyperbole o exaggeration lamang, na bahagi ng istilo ng pananalita nito, para takutin ang mga kriminal.

Isa si Panelo sa anim na abogadong Pilipino na ipinadala ng pamilya Duterte sa The Hague, Netherlands, sa pagsisimula ng confirmation of charges hearing ng International Criminal Court laban sa dating Pangulo, sa kasong crimes against humanity.

Ani Panelo, mali umano ang pag-intindi ng ilan sa salitang “kill,” na aniya’y nangangahulugang pagtugis at pagpapakulong sa mga kriminal at hindi literal na pagpatay.

“Ang problema ho sa kanila at ‘yung mga hindi nakakaintindi sa istilo ng pananalita ni (dating) presidente Duterte eh literal nilang kinukuha ‘yung salitang ‘kill,’” — Panelo | via Joana Luna, D8TV News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *