Todo pasasalamat ang mga Pilipino sa Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4PH) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos matanggap ang kani-kanilang bagong tahanan!
Sa Palayan City, Nueva Ecija, nagsimula nang lumipat ang mga benepisyaryo sa 23-ektaryang housing project. Isa sa kanila, si Ma. Cassandra Gonzales, ay emosyonal: “Iba ‘yung pakiramdam ng may sarili kang bahay!”
Sa Mindanao, patok din ang 4PH! Sa People’s Ville, Davao City at Valley View Township, Misamis Oriental, may mga nakalipat na rin tulad ni Evelyn Cuarta: “22 years kaming nagrerenta, ngayon may disente at ligtas na kaming bahay!”
Isa pang benepisyaryo, si Kenneth Gasis, ay humanga sa kalidad ng tirahan: “Hindi ko inasahan na ganito kaganda ang unit!”
Ayon kay DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar, katuparan ito ng bilin ni Marcos: “Bigyan ng dignidad ang mahihirap sa pamamagitan ng disente at maayos na pabahay.”
Marami pang proyekto ang isinasagawa sa Bacolod, Pampanga, Ilocos Norte, Bulacan, Rizal, Bataan, Maynila, at Camarines Sur. | via Allan Ortega | Photo via DHSUD
#D8TVNews #D8TV
