Mga opisyal na naipit sa Israel, balak pauwiin ngayong linggo

Labing pitong opisyales ng gobyerno ang kasalukuyang naipit sa Israel dahil sa pagsasara ng mga paliparan dahil sa tensyon sa pagitan ng Israel at Iran, ayon kay Israel Ambassador to the Philippines Ilan Fluss.

Aniya, ang labing pitong opisyal, kabilang ang ilang alkalde ng Pilipinas, ay nagpunta ng Israel upang magsagawa ng “exchange practices” ukol sa “dairy practices”.

Dagdag pa niya, nasa pangangalaga ng gobyerno ng Israel ang mga naiwang opisyal at sa kanila itong responsibilidad.

“All of them are being taken care of by the Israeli government and we are also looking for ways to send them back to the Philippines,” saad ng ambassador. “This is our responsibility and commitment,” dagdag pa ni Fluss.

Ayon naman kay Deputy Head of Israel International Aid Agency MASHAV Irit Savion Waidergorn, nais nila na maiuwi sa Pilipinas ang mga naipit na opisyal ngayong linggo.

“And we are making sure to do everything, first that they will be safe and second, that they’ll be able to leave Israel as soon as possible,” ani Waidergorn.

Sa kasalukuyan, patuloy na nakikipagdiyalogo ang Israel sa opisyal ng Jordan at travelling agencies ng Israel upang mas mapabilis ang pagpapauwi sa mga Pilipino.

Dagdag pa niya, kausap at may koordinasyon na rin ng MASHAV at gobyerno ng Israel ang gobyerno ng Pilipinas sa pamamagitan ng Philippine Embassy sa Tel Aviv upang talakayin ang isyu. | via Florence Alfonso | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *