Tatlo pang bangkay mula sa lumubog na MV Trisha Kerstin 3 sa Basilan ang narekober ng mga otoridad sa nagpapatuloy na search and rescue operations.
Dahil dito, umakyat na sa 40 ang nasawi kabilang ang anim na buwang sanggol sa pagkakalubog ng barko noong January 26.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), narekober ang dalawang bangkay sa Baluk Baluk Islang habang ang isa naman ay nakuha bandang Lantawan Island.
Dinala naman ang mga bangkay sa Zamboanga City para sa pagkakakilanlan at maayos na disposition ng mga ito.
Kinilala naman ang isa sa mga ito na si Seaman First Class (SN1) Alkhaizar Hadjail.
Nagpahayag naman ng pakikiramay ang PCG sa nasawing tauhan.
Sa ngayon, nananatili sa 316 ang bilang ng mga nailigtas habang nagpapatuloy pa rin ang paghahanap sa iba pang nawawala. | via Alegria Galimba
