Mga nanalong senador posibleng iproklama sa Sabado — COMELEC

Maaaring simulan ng Commission on Elections (Comelec) ang proklamasyon ng mga nanalong senador sa darating na Sabado, ayon mismo kay Chairman George Erwin Garcia nitong Martes.

Sa isang presscon sa Manila Hotel Tent City, sinabi ni Garcia: “Sa biyaya ng Diyos, Sabado o Linggo ay inaasahan nating maiproklama na ang mga nanalong senador.”

Pero nilinaw din ni Garcia na pinag-aaralan pa ng Comelec kung full o partial proclamation ang isasagawa — depende kung tiyak na hindi na magbabago ang nasa dulo ng Magic 12.

Sa kasalukuyang partial at unofficial count ng Comelec (as of 1:42 p.m.), nangunguna si Senador Bong Go na may 26.4 milyon boto, habang si dating Senador Bam Aquino ay pumapangalawa na may 20.6 milyon.

Pasok naman si Sen. Imee Marcos sa ika-12 pwesto na may 13 milyon boto — may lamang na mahigit 1.1 milyon laban kay Ben Tulfo na nasa ika-13 pwesto na may 11.8 milyon. | via Allan Ortega | Photo via pna.gov.ph

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *