Iimbestigahan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) kung mayroong mga kawani ng ahensya ang sangkot sa umano’y pang-aabuso sa paggamit ng Letter of Authority (LOA).
Ayon kay BIR Commissioner Charlito Mendoza, pinasuspinde nila ang operasyon ng field audits matapos nilang maitaan ng systemic vulnerabilities at defects sa pagse-serve nito.
Dagdag pa niya, pag-aaralan nila ang proseso sa pag-i-issue ng LOA at bubuo sila ng bagong regulasyon para dito.
Hinikayat naman ni Mendoza ang stakeholders at taxpayers na dumulog sa kanilang tanggapan kung nakaranas sila ng panggigipit upang makatulong sa imbestigasyon.
Paliwanag ng opisyal, hindi masama ang LOA dahil kailangan ito para matukoy kung talagang may tax violation o mayroon pandaraya sa pagbabayad ng buwis.
