Mga kalsadang tinamaan ng lahar sa Albay, passable na

Bukas na muli ang mga kalsadang naapektuhan ng lahar na dulot ng malakas na ulan sa Guinobatan, Albay matapos ang clearing operations nitong Miyerkules.

Ayon sa DPWH, agad nilang isinagawa ang clearing matapos ang flash flood at pagbuhos ng debris sa Barangay Masarawag malapit sa paanan ng Bulkang Mayon.

“Mananatili tayong alerto at nagpapasalamat na zero casualty pa rin,” ayon kay Albay 3rd District Rep. Adrian Salceda.

Dagdag pa niya, naging passable ang mga kalsada agad matapos ang insidente at may naipamigay nang pagkain sa mga apektadong residente.

Ayon kay Cedric Daep, dating hepe ng Albay Public Safety Emergency Management Office at chief of staff ni Salceda, tuloy-tuloy ang pamamahagi ng family food packs habang mino-monitor ang 11 barangay.

Handa rin daw silang magbigay ng teknikal na tulong sa lahat ng bayan at barangay para sa disaster response. May nakahanda nang training modules na akma sa bawat lugar, at posibleng magkaroon ng legislative support para sa ecological projects.

Payo ni Daep, kapag may thunderstorm advisory, dapat magsara ng kalsada at bawasan ang paglabas ng tao sa mga lugar na apektado ng lahar.

Ayon kay Guinobatan Mayor Gemma Ongoco, nasa 1,300 pamilya ang naapektuhan ng lahar flow. | via Allan Ortega | Photo Courtesy of Rep. Salceda FB page

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *