Nagbabala si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla sa mga magulang na huwag umanong hayaang makiisa ang kanilang mga anak sa mga gangsta groups sa magaganap na 3-day rally.
Dahil umano lahat ng may pagtatangkang manggulo ay pagtutuunan ng buong bigat ng batas.
Samantala, nakikiisa ang DILG sa panawagan ng naturang protesta para sa katotohanan, pananagutan at hustisya na tinig at sigaw ng bawat Pilipino.
Batay sa ulat, 16,433 na pulis ang nakatakdang i-deploy sa mga protest sites gaya ng Malacañang, Senate of the Philippines, House of Representatives, at Independent Commission for Infrastructure. | via Ghazi Sarip
