Mga guro, umalma sa base pay hike ng MUPs

Isang grupo ng mga guro — umalma sa napipintong base pay hike ng Military and Uniformed personnel o MUPs.

Tutol and Alliance of Concerned Teachers sa desisyon ni Pangulong Bongbong Marcos na bigyan ng umento sa base pay ang mga MUP mula 2006.

Ayon sa kanila, masyado nang naiiwanan ang sweldo ng mga guro at iba pang civilian workers ng gobyerno.

Sabi ni ACT president Ruby Bernardo, ang desisyon ay isang ‘politically motivated move’ sa kabila ng mga umuugong na balita tungkol sa destabilisasyon at coup rumors.

Mas mainam daw i-allocate na lang ang pondo sa edukasyon at pangkalusugan ng mga mamamayan.

Bukod sa base pay, nais ni Marcos na dagadagan din ang subsistence allowance ng mga MUP.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *