Mga gobernador, muling nagpahayag ng suporta kay PBBM

Nakatakdang makipagpulong kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong Huwebes ng hapon ang mga gobernador mula sa League of Provinces of the Philippines (LPP) upang muling pagtibayin ang kanilang suporta sa administrasyon, ayon sa Malacañang.


Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, layunin ng courtesy call na palakasin ang ugnayan at koordinasyon ng lokal at pambansang pamahalaan, pati na ang pagsuporta sa mahahalagang panukalang batas.

Aniya, ipinapaabot ng LPP ang kanilang buong suporta sa liderato ng Pangulo at sa pagpasa ng key legislative proposals.


Gaganapin ang pulong sa gitna ng tumitinding pagsusuri ng publiko sa mga flood control project na inuugnay sa umano’y iregularidad sa procurement at implementasyon.


Binigyang-diin ni Castro na nananatiling nakatuon ang pamahalaan sa transparency, accountability, at tamang paggamit ng pondo ng bayan, lalo na sa proseso ng national budget. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *