Lahat ng 19 glacier regions sa mundo ay lumiit noong 2024, pangatlong sunod na taon na itong nangyari, ayon sa UN. Sabi ng World Meteorological Organization (WMO), hindi lang ito isyu ng kapaligiran kundi usapin ng “survival” ng tao.
Sa loob ng limang taon, limang beses nang naitala ang pinakamabilis na pagkatunaw ng yelo. Ayon sa datos, 450 bilyong toneladang yelo ang nawala noong 2024, pang-apat sa pinakamasamang taon sa kasaysayan.
Mula 1975, tinatayang 9 trilyong toneladang glacier na ang natunaw—katumbas ng isang bloke ng yelo kasinglaki ng Germany na 25 metro ang kapal! Ayon sa eksperto, marami sa mga glacier sa Canada, US, Europa, at New Zealand ang maaaring mawala bago matapos ang siglo.
Babala ng UN: Kapag tuluyang nawala ang mga glacier, milyon-milyong tao ang mawawalan ng suplay ng tubig. Ang tanging solusyon? Bawasan ang greenhouse gas emissions at labanan ang global warming! | via Lorencris Siarez | Photo via AFP/Jean-Pierre Clatot
#D8TVNews #D8TV