Mga e-cigarette na may marijuana, nasamsam sa Cebu City

Nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at pulisya ang 20 e-cigarette na may tetrahydrocannabinol o THC sa isang buy-bust operation sa Barangay Duljo, Cebu City.

Ang THC ang active ingrediaent ng marijuana at siyang nagbibigay ng high sa gumagamit nito.

Dalawang suspek ang arestado habang nakatakas naman ang pangunahing target ng operasyon.

Ang mga e-cigarette ay may halagang tinatayang P50,000.

Kasamang nasamsam ang buy-bust money at iba pang ebidensiya na kasalukuyang sinusuri sa PDEA lab.

Ang mga suspek ay nakakulong ngayon sa PDEA Region 7 detention facility at maaaring hatulan ng habambuhay na pagkakakulong at multang mula ₱500,000 hanggang ₱10 milyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *