Mga dokumento ng 2 luxury car ni Zaldy Co, peke —HPG

Peke ang mga dokumento ng dalawa sa apat na luxury cars na iniuugnay kay dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co, ayon sa mga otoridad.

Ayon Philippine National Police-Highway Patrol Group, nadiskubre ito matapos iailalim sa physical at macro-etching inspections ang mga sasakyan ni Co.

Gumagamit umano ng pekeng plate number ang isang sasakyan at nakarehostro sa ibang tao.

Dalawa pang sasakyan ang wala umanong clearance mula sa Motor Vehicle Clearance Division.

Dahil dito, naghahanda na ang mga awtoridad sa pagsasampa ng karagdagang kaso katuwang ang iba pang ahensya ng pamahalaan gaya ng Bureau of Customs at Land Transportation Office.

Sa kabuuan, tinatayang nasa humigit-kumulang P200 milyon na ang halaga ng mga nakuhang sasakyan mula kay Co, kabilang ang apat na luxury cars na hindi kasama sa initial search warrant ng Customs. | via Alegria Galimba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *