Nakatakdang lutasin ang mga criminal charge laban sa mag-asawang kontratista na sina Pacifico “Curlee” at Cezarah “Sarah” Discaya na umano’y mga susunod na maiuugnay sa multibillion-peso flood control projects na haharap sa Sandiganbayan, ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla.
Ibinunyag ni Remulla na may kabuuang siyam na kaso ang ngayo’y nasa preliminary investigation.
Aniya, ang mga kaso ng Discaya ay isinumite para sa resolusyon, hindi bababa sa tatlong mga kaso.
Naghahanda rin ang mga Ombudsman investigator upang tapusin ang kanilang fact-finding probe sa kaugnayan ng mga senador sa maanomalyang flood control projects. | via Ghazi Sarip
