Ibubunyag umano ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga bagong pangalan na mula sa listahan ng mga contractor na umano’y nagbigay ng donasyon sa mga kandidato noong 2022 elections.
Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, hinihintay na lamang ng komisyon ang kumpirmasyon mula sa Department of Public Works and Highways o DPWH kung alin sa 54 na contractors ang may aktibong kontrata sa gobyerno.
Kapag nakumpirma, agad ilalabas ng COMELEC ang listahan ng mga ito.
Binigyang-diin ni Garcia na mahigpit na ipinagbabawal sa mga kandidato ang tumanggap ng donasyon o pondo mula sa mga government contractors, bilang proteksyon laban sa “conflict of interest” sa pamahalaan. | via Ghazi Sarip
