Maghanda na mga biyahero! Ayon sa bagong memorandum ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), tataas na ang Passenger Service Charge (PSC) o terminal fee bago pa magsimula ang summer travel rush!
Simula sa bagong patakaran, ang PSC sa international flights ay aakyat mula P550 tungong P900. Para naman sa domestic flights, ito na ang bagong singil depende sa klase ng airport:
• P350 – kung alis ay mula sa international airport
• P300 – principal class 1 airports
• P200 – principal class 2 airports
• P100 – community airports
Sa ngayon, nasa P200 lang ang bayad sa mga domestic flight passengers.
Babala ng CAAP: Bawal sumakay ng eroplano kung hindi magbabayad ng PSC! Exempted lang ang mga batang wala pang dalawang taon, transit passengers, OFWs paalis ng bansa, at mga na-deny ang entry.
Ang CAAP Circular No. 019-2025 ay epektibo 15 araw matapos mailathala sa dalawang pahayagan. Wala pang eksaktong petsa ng bisa, pero asahan na itong ipatutupad sa lalong madaling panahon. | via Lorencris Siarez | Photo via msn
#D8TVNews #D8TV