Tapos na ang kalahating bahagi ng konstruksyon ng Metro Manila Subway, ang kauna-unahang underground mass transit system sa bansa at isa sa pinakamalalaking proyektong pangtransportasyon sa kasaysayan ng Pilipinas.
Naglalayon ang mega project na ito na pagaaninin ang matinding trapiko sa Maynila at gawing mas moderno at maayos ang mass transit system sa bansa.
Ang 33-kilometer underground railway na ito ay inaasahang makakapagsakay ng mahigit 500,000 pasahero araw-araw at naglalaman ng 17 stations sa iba’t ibang lungsod sa Metro Manila na Valenzuela, Quezon City, Pasig, Parañaque, Pasay, Taguig, at Makati.
Ang bawat 8-car trainset ay maaaring lumulan ng 2,200 passengers, na may kakayahang tumakbo ng 81 kilometers per hour.
Kapag operational na, inaasahang 35 minutes na lang ang biyahe mula Valenzuela hanggang NAIA, kumpara sa 90 minutes sa kasalukuyan.
Tinatarget ang partial operation ng proyekto sa taong 2029, habang ang full operations ay nakatakdang matapos sa pagitan ng 2030 to 2031.
Ang mega project ay pinondohan sa tulong ng Japan sa pamamagitan ng official development assistance at isinagawa gamit ang Japanese technical expertise. | via Clarence Concepcion | Photo via DOTr
#D8TVNews #D8TV