Mga kababayan, maghanda-handa! Ayon sa Meralco, magkakaroon ng scheduled power interruptions ngayong linggo sa ilang bahagi ng Metro Manila, Bulacan, Batangas at Cavite dahil sa maintenance at line works.
Sa Maynila, walang kuryente sa Binondo, Tondo, Ermita at Intramuros mula Hunyo 25–28, may mga oras na aabot mula 9 a.m. hanggang 3 p.m. o kaya’y gabi hanggang madaling araw.
Sa Quezon City, tatamaan ang Eastwood-Libis at Novaliches mula Hunyo 25–28, habang ang Caloocan (Tala area) ay mawawalan din ng kuryente Hunyo 28–29 dahil sa MRT-7 construction.
Sa Bulacan, Batangas at Cavite, apektado rin ng maintenance at installation ng power facilities, kaya’t may mga araw na mawawalan ng kuryente ang ilang barangay.
Kaya i-charge na ang gadgets, maghanda ng flashlight, at i-check ang Meralco advisory para sa eksaktong lugar at oras ng brownout!| via Allan Ortega | Photo via msn
#D8TVNews #D8TV