Nilinaw ng Meralco PowerGen Corporation o MGEN, na hiwalay at magkaibang corporate entity ang SPNEC, kumpara sa Solar Para Sa Bayan Corporation o SPBC na pag-aari ni Batangas Rep. Leandro Leviste
Ayon sa MGEN, wala itong biniling kahit anong shares ng SPBC, na may hawak ng congressional franchise sa ilalim ng Republic Act No. 11357 para magtayo, mag-install, at magpatakbo ng mga microgrid sa mga liblib na lugar.
Iginiit ng kumpanya na wala ring nilabag na batas o regulasyon ang kanilang investment sa SPNEC, na isang publicly-listed entity.
Matatandaang niimbestigahan na ng Office of the Ombudsman si Batangas Rep. Leviste dahil sa umano’y pagbebenta ng prangkisa ng kanyang solar energy business kay business tycoon Manny Pangilinan. | via Judea Bernardo
