Meralco, magtataas ng singil sa kuryente ngayong Pebrero

Magkakaroon ng taas-singil sa kuryente ngayong buwan ang Manila Electric Company o Meralco.

Ayon sa Meralco, ipatutupad nila ang P0.22/kWh na dagdag-singil.

Ibig sabihin, P45 ang idadagdag sa electric bill ng isang bahay na kumukunsumo ng 200 kWh kada buwan.

P111 naman madadagdag sa electric bill sa mga bahay na kumukunsumo ng 500 kwh.

Ayon sa electric company, ang pagtaas ng singil sa kuryente ay bunsod ng mas mahal na transmission at universal charge.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *